About Us

Ang Aming Kwento

Isang Pangarap, Disiplina, at Pagbabalik sa Bayan

Ang Mina de Oro ay hindi lamang isang pangalan—ito ay simbolo ng pagtuklas sa tunay na kayamanan ng lahing Mindoreño. Nagmula ang ideya ng brand na ito mula sa mga gabi ng tahimik na pagtatrabaho at malalim na pag-iisip sa gitna ng buhay-OFW sa Kuwait. Sa bawat patak ng pawis at sakripisyo, nabuo ang isang layunin: ang bumalik sa sariling bayan, hindi lang bitbit ang pangarap para sa pamilya, kundi ang misyon na mag-iwan ng permanenteng halaga sa komunidad ng Mindoro.

Ang bawat produkto ng Mina de Oro ay produkto ng Disiplina at Stoic na Mentalidad—naniniwala kami na ang tunay na kalidad ay hindi nakukuha sa madaliang paraan, kundi sa masusing proseso at tiyaga.

Ang Sining ng Paggawa

Artisanal, Natural, at De-Kalidad

Kami ay dedikado sa paggawa ng mga de-kalidad na sabon at detergent gamit ang Cold Process na pamamaraan. Sa prosesong ito, pinapanatili namin ang natural na sustansya at benepisyo ng mga lokal na sangkap tulad ng niyog, rice bran, at charcoal.

Hindi kami nagmamadali. Ang bawat batch ng aming artisanal na sabon ay maingat na binubuo, pinuptol, at pinapatigas sa loob ng ilang linggo upang masiguro na ang makakarating sa iyong tahanan ay isang produkto na may sining, kalidad, at malasakit sa kalikasan.

Ang Aming Adhika

“Ang tunay na kayamanan ng isang bayan ay matatagpuan sa lakas, sining, at potensyal ng kanyang mga mamamayan.”

Ang aming misyon ay higit pa sa pagbebenta ng produkto. Narito ang Mina de Oro upang magbigay ng inspirasyon sa mga kapwa OFW na nagnanais ding magbalik-bayan, at magtayo ng isang negosyong maipagmamalaki ng bawat Mindoreño sa buong mundo.

Our Story
Handmade Care
Our Blog
Life Tips

Our Craft

Handmade soaps and eco-friendly cleaning essentials, crafted with care.